Mahigit P60,000, natangay sa lalaking naningil lang ng paupa sa lungsod ng Manila

Manila, Philippines – Umabot sa P65,000 ang natangay ng dalawang lalaki mula sa kanilang kolektor ng upa sa katamanan St. Abad Santos Manila.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita ang pagdating ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo at pumarada.

Ayon sa biktimang si Jeffrey Berenguer, hinarang siya ng lalaki nakasakay sa motorsiklo at pilit na inipit sa sulok kung nasaan ang isa pang suspek.


Umakma pa aniyang may binubunot ang isa sa mga suspek.

Sinabi naman ni Brgy. 233 Chairman Feliciano Cruz, na napansin ng biktima na nakapantalong pang-pulis ang isa sa mga suspek habang pamilyar ang boses ng isa pa.

Inaalam na ng barangay ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments