Nakatanggap ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng apat na application para sa digital banking license.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, dalwa sa applications ay mula sa mga bagong players, at ang dalawa ay mula sa incumbent banks na nag-a-apply para i-convert ang kanilang existing license bilang thrift bank patungong digital bank.
Hindi tinukoy ni Diokno ang mga bangko maliban sa Overseas Filipino Bank (OFBank) na nasa ilalim ng incumbent bank category at nabigyan na ng lisensya noong March 25.
Para sa incumbent players, ang operasyon ay inaasahang magsisimula sa second half ng taon, habang ang mga bagong players ay maaaring magsimula sa kalagitnaan ng 2022.
Babantayan ng BSP ang unang limang digital banks bago sila magbukas ng karagdagang players.
Matatandaang inaprubahan ng BSP ang pagkilala sa digital banks bilang bagong kategorya hiwalay sa mga kasalukuyang bank classifications.