Apat na kompanya sa Maynila, inireklamo ng tax evasion ng BIR

Manila, Philippines – Apat na kompanya sa lungsod ng Maynila ang inireklamo ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).

Kabilang sa mga inireklamo ang Edwin S. Santiago enterprise na bigong magbayad ng mahigit P3.7 million na tax liability para sa taong 2008.

Ang best outlet trading company naman na pagmamay-ari nina Merlinda Barroga at Jocelyn Mariano ay may utang na mahigit 45-milyong pisong buwis mula January 1 hanggang June 30, 2013.


Mahigit P2-milyon naman ang hindi nabayaran ng marps king trading corp., habang mahigit P4-milyon sa pschent corp.

Ayon sa BIR – matagal na nilang pinadalhan ng notice of tax liabilities ang apat na kompanya pero wala ‘ni isa ang sumagot o nagprotesta.

Facebook Comments