Bailey May, opisyal nang miyembro ng bagong global pop group “Now United” – top star Korean couple Lee Min Ho at Suzy – break na!

Showbiz – Opisyal nang miyembro ng global pop group na “Now United” ang dating PBB housemate na si Bailey May.

Ang now united ay binubuo ng mga batang performers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na binuo ni Simon Fuller, ang founder ng American Idol.

Ayon kay Bailey, Agosto pa nang malaman niya ang good news.


Naniniwala naman ang manager ng grupo na si Yonta Taiwo na malaking impact sa grupo si bailey dahil na rin sa kanyang mga pinoy fans.

Samantala, break na ang top star Korean couple na sina Lee Min Ho at Suzy.

Kinumpirma mismo ito ng magkabilang panig pero hindi sinabi ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Si Lee Min Ho ay kasalukuyang nasa social welfare service bilang bahagi ng mandatory military service sa South Korea.

Facebook Comments