Apat na kwani ng DENR na sangkot sa korapsyon, sinibak ni Pangulong Duterte

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa apat na empleyado mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, aminado si Pangulong Duterte na nananatiling laganap ang korapsyon sa pamahalaan at mananatiling problema ito sng mga susunod pang pamahalaan.

Tinukoy ni Pangulong Duterte ang mga kawani ng DENR na dawit sa korapsyon:


– Preciosa Polonia, OIC-Land Management Officer III, City Environment and Natural Resources Office, Albuera, Leyte

– Sacaruddin Magarang, Regional Executive Director, DENR-Region 12

– Amante Burbano, Special Investigator

– Maria Babyruth Nicolas, Staff, CENRO-Guiguinto, Bulacan, DENR-Region III

Naniniwala si Pangulong Duterte na patuloy na magiging problema ang korapsyon habang mayroong bureaucracy at mayroong pera kasama.

Facebook Comments