Pagbebenta ng PCSO lotto tickets at in-person interview ng TESDA sa household service workers, pinayagan ng IATF

Pinapahintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at authorized agents sa pagbebenta ng Lotto, Keno, Scract-It, at Small Town Lottery tickets sa buong bansa, kahit nasa Modified Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa IATF, inatasan nila nag PCSO na tiyaking nasusunod ang health at safety protocols.

Bukod dito, pinayagan na rin ng IATF ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magsagawa ng in-person assessments para sa household service workers.


Pero nilinaw ng IATF na ang aktibidad na ito ay may kaakibat pa ring kondisyon, kung saan ang in-person interviews ay gaganapin lamang sa TESDA Training Institutions.

Pinayuhan din ang mga aplikante na sumunod sa TESDA guidelines na may kinalaman sa pagsasagawa ng in-person assessments.

Pinapayagan na rin ang pagsasagawa ng Career Executive Service Written Examination and Assessment Centers ng Career Executive Service Board, alinsunod sa minimum public health standards.

Facebook Comments