Apat na lalaking nang-holdap sa isang Indian national sa Quezon City, pinaghahanap na

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang apat na lalaking nang holdap sa isang Indian national sa Quezon City.

Ayon kay C/ Insp. Romeo Panal, ng QCPD station 1, sakay noon ng kaniyang motorsiklo ang biktma sa Don Manuel Treet nang sundan ng dalawa ring motorsiklo na sakay ang apat na suspek.

Pagdating sa dulo ng kalye, dito na hinarang ng mga suspek ang biktima saka ngdeklara ng hold-up.


Nagpakilala rin aniyang mga pulis ang mga suspek na agad ring umalis matapos makuha ang kanilang pakay.

Facebook Comments