APAT NA LIBONG INDIGENT FAMILIES AT TRICYCLE DRIVERS NG MALASIQUI, NABIGYAN NG AYUDA MULA SA DSWD

MALASIQUI, PANGASINAN – Umabot sa 4,123 indigent families and individual members mula sa iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng bayan ng Malasiqui, ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng Department of Social Welfare and Development Office DSWD.

Sa dami ng natukoy na benepisyaryo ay hinati naman sa dalawang batch ang pamimigay ng cash assistance kung saan ang ilan ay iniskedyul sa umaga at hapon naman ang second batch.

Naging reyalidad naman umano ang inaasam-asam na ayuda ng mga tricycle drivers na isa sa mga lubhang naapektuhang sektor ng lipunan dahil sa pandemya.


Bago ang pamamahagi ng ayuda ay ang Municipal Government ng Malasiqui ay nagrequest naman nb augmentation mula sa ahensiya upang sila ay mabigyan ng tulong pinansyal na malaki din umano ang magiging tulong ngayong patuloy na nararanasan ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments