Apat na linggong tuloy- tuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, naitala sa Quezon City

Napanatili ng Quezon City ang apat na linggong mababa ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19.

Ayon sa OCTA Research, batay sa October 12, 2020 na datos ng Department of Health (DOH) at Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, ang reproduction number o RO ng lungsod ay nasa 0.71.

Mas mababa ito kumpara sa bilang ng National Capital Region na 0.75 at ng buong bansa na 0.87.


Sa kaso ng COVID-19 sa lungsod, umabot na sa 87% o 18,551 ang gumaling sa virus.

Bumaba na sa 2,036 ang kumpirmadong active cases mula sa 21,180 kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Facebook Comments