Calvin “The Beast” Abueva, malapit ulit makalaro sa PBA

30

Nakumpleto na ni Phoenix Forward Calvin Abueva ang kinakailangang seminar para maibalik na ang lisensya nito at muling makapaglaro.

Sumailalim si Abueva sa tatlong session ng Professional Athlete’s Code of Conduct seminar matapos itong masuspinde at bawiin ang kaniyang lisensiya.

Sa isang pahayag, sinabi ng Games and Amusements Board (GAB) na walang indikasyon ng aggression si Abueva at walang senyales ng anxiety, hostility o irritability sa kaniyang panig.

Base sa naging obserbasyon ng GAB, inirerekomenda nila na ibalik na ang lisensiya ni Calvin pero kinakailangan pa rin niyang sumunod sa ilang kondisyon at ang pag-apruba ng GAB.

Facebook Comments