Iligan City – Na-commit na sa city jail ditto sa lungsod ng Iligan ang apat na miyembro ng Highway Patrol Group na nahuli sa isinagawang entrapment operation ng CounterIntelligence Task Force at pwersa ng PNP Iligan noongmiyerkules ng gabi sa kanila mismong tanggapan.
Kasong robbery extortion ang isinampa sa apat na suspect na sila si Police Senior Inspector Rolando Rigat ang team leader, SPO2 Crisanto Bernardo, Mac Harvey Abad at Sidney Cañete.
Ayon kay PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Gana possible pang makalaya ang mga suspectkahit patuloy pang dinidinig ang kanilang kaso dahil maybailbond naman ang kasong isinampa sa kanila sahalagang 140 thousand pesos.
Noong biyernes matapos ang ma-iproseso ang kaso sa apat na suspect ay agad dinala sila sa Bureau of Jail and Penology o BJMP Iligan. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
(*Photo courtesy of PNP-CITF)
Apat na miyembro ng HPG na nahuling nangingikil sa Iligan na commit na sa city jail
Facebook Comments