Apat na miyembro ng Islamic State-linked group, nahuli ng militar sa South Cotabato

Arestado ang apat na miyembro ng Islamic State-linked group matapos na makipag-engkwentro sa militar sa T’Boli, South Cotabato kahapon.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Lieutenant Colonel Alaric Avelino Delos Santos, nagsagawa ng law enforcement operation ang mga tauhan ng 5th Special Forces Battalion kasama ang mga pulis kung saan isisilbi sana nila ang warrant of arrest laban kay Daulah Islamiyah-Maguid Group member Russel Mamo.

Pero nakasagupa ng mga sundalo at pulis ang hindi mabilang na mga armadong kalalakihan sa Sitio Malou Jawe, Barangay Basag, T’Boli.


Nagtagal ng 20 minuto ang sagupaan bago nagsitakas ang mga armadong kalalakihan.

Sa ikinasang clearing operation ng militar nakita nila ang apat na sugatang lalaki, isa rito ay ang target na si Russek Mamo at tatlo nyang kasamahan.

Nakuha sa mga naaresto ang dalawang baril, isang granada, isang improvised Carbine rifle at isang pakete ng umano’y marijuana.

Facebook Comments