32 na PNP personnel, nadagdag sa mga positibo sa COVID-19

18

Muling nadagdagan ang bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, 32 PNP personnel ang panibagong dinapuan ng COVID-19.


Dahil dito umabot na sa 9,715 ang bilang ng COVID cases sa hanay ng Pambansang Pulisya, sa bilang na ito 494 ang active cases.

Good news naman dahil mas marami ang bilang ng gumaling kahapon sa COVID kumpara sa mga nagpositibo.

Sa ulat pa ng ASCOTF, 39 na tauhan ng PNP ang panibagong gumaling sa COVID. Kaya naman 9,193 na ang recoveries sa PNP.

Nananatili naman sa 28 na pulis ang nasawi dahil sa COVID-19.




Facebook Comments