Manila, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng PNP anti kidnapping group ang apat na mga miyembro ng kidnap for ransom group kabilang ang kanilang lider sa Nueva Ecija.
Ito ay matapos na biktimahin nila ang isang negosyanteng Indian national na kinilalang si Harvinder Singh.
Ayon kay Sr. Supt Glenn Dumlao ang director ng PNP AKG ang biktima ay dinukot noong march 9, ng mga suspek sa brgy sta barbara Llanera Nueva Ecija.
Agad aniyang nagdemand ng 10 milyong piso ang mga suspek kapalit ng kalayaan ng biktima.
Pero matapos ang pay off operation noong march 24, kinaumagahan ay agad na inirelease ng mga suspek ang biktima.
Kasunod ito ng isinagawang operasyon ng pnp akg sa pagitan ng brgy agupalo at brgy canaan nueva ecija na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na suspek.
Ang mga ito ay kinilalang sina ; Jerry Cabading Caasi, na kumuha ng ransom, Francis Castro, Gregorio Peña at gurmeet sighn ang lider ng grupo.
Sa operasyon nakuha sa mga suspek ang 600 thousand cash, 3 calibre 45 baril at isang granada.
Sa ngayon ay nakakulong na ang tatlo PNP AKG detention cell habang ang lider nilang si Gurmeet Signh ay nanatili sa PNP General Hospital matapos masugatan sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad.
Facebook Comments