Apat na miyembro ng kidnap for ransom group sa Nueva Ecija – arestado ng PNP-AKG

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group ang apat na miyembro ng kidnap for ransom group sa Nueva Ecija.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Jerry Cabading Caasi, Francis Castro, Gregorio Peña at ang lider ng grupo na si Gurmeet Sighn.

 

Nag-ugat ang operasyon, matapos na dukutin ng mga suspek ang isang negosyanteng Indian national noong March 9 sa barangay Sta. Barbara Llanera, Nueva Ecija.

 

Ayon kay PNP-AKG Director Sr/ Supt. Glenn Dumlao — agad na nagdemand ng 10-milyong piso ang mga suspek kapalit ng kalayaan ng biktima.

 

Naaresto ang apat matapos nilang makuha ang ransom kasunod ng pagpapalaya sa bihag.

 

Pero matapos ang pay-off operation noong March 24, kinaumagahan ay agad na ini-release ng mga suspek ang biktima

 

Sa ngayon, ay nakakulong na ang tatlo PNP AKG detention cell habang ang lider nilang si Gurmeet Signh ay nanatili sa PNP General Hospital matapos masugatan sa operasyon.



Facebook Comments