Pulis na nambugbog sa isang marine engineer sa loob mismo ng presinto, ipinatapon sa labas ng Metro Manila

126

Manila, Philippines – Ipinatatapon na sa labas ng Metro Manila ang pulis na nambugbog sa isang marine engineer sa loob mismo ng Quezon City Police district station 5.

 

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar – tinanggal na muna sa station 5 ang suspek na pulis na si C/ Insp. Melvin Madrona at inilagay sa support group habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

 

Aniya, naipadala na nila sa directorate for investigation ang apat na kasong kriminal laban kay madrona para magamit sa pagdinig.

 

Una rito, iginiit ng pulis na sinuntok siya ng biktima matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa trapik kaya’t hinabol niya ito hanggang sa police station.

 

Gayunman, hindi kinagat ni Eleazar ang paliwanag nito.



Facebook Comments