Apat na Miyembro ng Pamilya sa Kayapa Nueva Vizcaya, Patay Dahil sa Landslide!

109

Kayapa, Nueva Vizcaya – Patay ang apat na miyembro ng pamilya Allaga matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Brgy. Banao, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, kinilala ang mga biktima na sina Gilbert Allaga (ama); Rosalyn Allaga (ina); Reygan Allaga, dalawang taong gulang at ang apat na buwang sanggol.

Batay sa pangyayari, sa kasagsagan umano ng bagyong ompong ay sinabihan ni Barangay Captain Romeo Ligmayo ang pamilya Allaga na lisanin na ang kanilang bahay ngunit ang tatlong anak pa ang pinalikas lamang ng mag-asawang Allaga at silang apat ang naiwan sa kanilang tahanan.

Sa resulta ay natabunan ng gumuhong lupa ang apat na biktima habang sila ay nasa loob ng kanilang bahay.

Nagtulungan ang mga opisyal ng barangay at ilang residente sa lugar upang iligtas ang pamilya ngunit wala nang buhay ang mga biktima.

Samantala ang mga labi ng biktima ay dinala muna sa ligtas na lugar habang hinihintay pa na tuluyang humupa na ang panahon.

Facebook Comments