Apat na miyembro ng sindikato sa casino, arestado sa Parañaque City

Manila, Philippines – Arestado ang apat na lalaki kabilang ang dalawang tsino na hinihinalang miyembro ng sindikatong nagpapautang sa mga nagsusugal sa casino sa ParaƱaque City.

Kinilala ang mga suspek na sina Chen Shi Kwan at Ho Yong Jian at ang kanilang body guards na sina Ric Gordonyas at Noel Panaligan.

Ayon kay Philippine National Police anti kidnapping group Luzon field unit OIC Supt. Arthur Masungsong, ikinulong ng mga suspek ang biktimang Chinese national na si Yan Yua sa isang kuwarto ng isang hotel-casino sa ParaƱaque City matapos hindi makapagbayad ng P2 milyon utang.


Modus aniya ng mga ito na pagsamantalahan ang mga nagsusugal sa casino.

Batay sa PNP-AKG, nakapagtala na sila ng limang kaso ng may kaparehong modus.

Sinabi pa ni Masungsong na may ibang lulong sa sugal ang nagagawang lokohin ang sariling pamilya.

Inaalam pa ng pnp-akg kung may pananagutan ang casino sa insidente habang kakasuhan ang mga suspek ng kidnapping at serious illegal detention.

DZXL558

Facebook Comments