Motorcycle rider, nahulugan ng poste ng kuryente sa Caloocan City

Manila, Philippines – Kamuntik nang masunog nang buhay ang isang rider ng motorsiklo matapos mabagsakan ng poste ng kuryente sa tala, Caloocan City.

Ayon kay Rommel Victorio, OIC ng brgy. 187, inaayos ng mga tauhan ng isang kumpanya ng telepono ang mga kableng sa barangay 187 nang biglang bumigay ang poste ng kuryente.

Dito na nabagsakan ng naturang poste ang isang dumadaang motorsiklo at nagliyab.


Naipit naman ang rider ng motorsiklo at nagliyab na rin ang suot niyang damit.

Sa pagkataranta ng mga tao, isang lalaki ang naglakas-loob na hatakin ang nagliliyab na motorsiko saka hinila ang rider.

Tumulong na rin ang iba pa hanggang sa mailayo ang rider sa nasusunog niyang motorsiklo at inapula ang nagliliyab niyang damit.

Sa ngayon ay inoobserbahan pa sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang rider, na kinilalang si Limuel Burgos, taga-Binangonan, Rizal.
DZXL558

Facebook Comments