Patuloy na sinusuyod ng Water Search and Rescue (WASAR) team ng Philippine Coast Guard (PCG) North District Eastern Luzon ang katubigan at dalampasigan ng Cagayan para mahanap ang apat na nawawalang PCG rescuers.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Rueli Rapsing, ginalugad ng grupo kahapon ang Eastern seaboard ng bayan ng Sta. Ana ngunit bigong pa ring makita ang apat na rescuers.
Ngayong araw, ginalugad ng mga awtoridad ang bahagi ng Camiguin Island sa Calayan, patungong bahagi ng Taiwan.
Nabatid na ika-11 araw na ngayon nang isinasagawang paghahap ng grupo, matapos mapaulat na nawawala ang apat noong July 26 nang tangkaing respondehan ang pitong tripulante ng isang tugboat sa kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Egay sa bayan ng Aparri.
Maging ang Coast Guard station ng Batanes ay nagpakalat na rin ng mga impormasyon sa kanilang mga tauhan para mahanap ang mga nawawalang rescuers.