AFP Chief of Staff Gen. Brawner pinangungunahan ang command conference sa Western Command

Lumapag na sa Western Command (WESCOM) sa Puerto Princesa, Palawan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Sa kasalukuyan nagsasagawa ng command conference si Gen. Brawner kasama si AFP WESCOM VAdm. Alberto Carlos.

Susundan naman ito ng isang press conference at pagtapos ay magkakaroon ng ‘talk to the troops’ si Brawner.


Nais kasing malaman ni Brawner kung ano ang lagay ng mga tropa sa WESCOM makaraan ang pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Gusto din malaman ng heneral kung ano ang mga pangangailangan ng ating mga tropa sa Palawan at kanila itong susuportahan.

Matapos nito ay magkakaroon din ng tree planting activity na pangungunahan din ni Gen. Brawner.

Facebook Comments