Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na apat mula sa 150 ospital sa Metro Manila ang kasalukuyang nasa critical level pagdating sa usapin ng bed capacity para sa mg COVID-19 patients.
Kabilang sa mga ito ang:
-A. Zarate Hospital sa Las Piñas na may 100% bed capacity
-Mary Chiles General Hospital Inc. sa Sampaloc, Manila na may 100% bed capacity
-Ospital ng Muntinlupa na may 100% bed capacity
-Y. Manalo Medical Foundation Inc. sa Quezon City na may 93.7% bed capacity
Itinuturing namang high risk level ang mga ospital ng :
– Bernardino General Hospital II – 71.4%
– East Avenue Medical Center – 81.7%
– Mandaluyong City Medical Center – 72.5%
– Novaliches District Hospital – 78.1%
– Ospital ng Makati – 84.8%
– Pacific Global Medical Center – 77.8%
– SDS Medical Center – 72.7%
– Taguig Pateros District Hospital – 71.4 %
– Veterans Memorial Medical Center – 84.3%
Nasa moderate level naman ang :
– Jose N. Rodriguez Memorial Hospital – 64.5%
– National Children’s Hospital – 68.9%
– Philippine Orthopedic Center – 66.7%
– Quirino Memorial Medical Center – 67.3%
Habang safe category pa rin ang natitirang 133 na ospital.