Apat na PDEA tipster, nakatanggap ng ₱11-M na reward

Nagkaloob ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng ₱11-M na cash rewards sa apat na confidential informants na nakapagbigay ng impormasyon sa mga ikinasang anti-drug operations na nagresulta sa pagkaaresto ng mga drug personality at pagkakumpiska ng mga iligal na droga.

Ang financial incentives ay sa ilalim ng “Operation Private Eye” na nakadisenyo upang hikayatin ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan kontra illegal drug activities.

Ang mga cash reward ay ipinagkakaloob sa mga informant na itinago sa mga codename na Mala, Denver, Dream at Mambo.


Ang pinakamalaking reward na ₱6 million ay nakuha ni informant “Mambo”.

Dahil sa impormasyon nito ay nagresulta ito sa pagkakumpiska ng 77,964.34 gramo ng shabu at pagkaaresto ng dalawang drug personalities sa buy-bust operation sa Brgy. Barangka-Ilaya Mandaluyong City noong December 27, 2021.

Ang impormasyon ni “Dream” ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 37,962.50 grams ng shabu at pagkaaresto ng apat na drug personalities sa buy-bust operation sa Blk. 8 Lot 21 Gladiola St., Phase II Punta Verde Subdivision, Brgy. Pulung Cacutud, Angeles City, Pampanga noong October 18, 2021.

Facebook Comments