Apat na pelikulang pasok sa MMFF 2019, inilabas na ng MMDA

Images via PEP.ph

Inihayag na sa publiko ang apat na pelikula pasok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Sa ginanap na press conference nitong Miyerkules, pinangalanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga mapapanood na MMFF movies sa darating na Disyembre 25.

Narito ang apat na official entries batay sa ipinasang script at rekomendasyon ng Selection Committee ng MMFF Executive Committee:


1. (K) Ampon, sa pangunguna nina Derek Ramsay at Kris Aquino (Quantum Films)

2. Miracle in Cell No. 7, pagbibidahan nina Aga Muhlach at Nadine Lustre (VIVA Films)

3. Mission Unstapabol: The Don Identity, pagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza (APT Entertainment, Inc., ZET Productions)

4. Momalland, sa pangunguna nina Vice Ganda at Anne Curtis (ABS-CBN Film Productions at VIVA Films)

Matatandaang ibinunyag ni Vice Ganda noong Abril 25 ang balak nitong paggawa ulit ng pelikula para sa MMFF 2019.

Wala pang ibang detalyeng nilalabas ang MMDA kaugnay sa natitirang apat na official entries.

Facebook Comments