Lalaki tinapakan ang pizza ng customers, arestado

67

Inaresto ang isang lalaki na naglakad umano sa lamesa at pinagtatapakan ang mga pizza ng mga customer sa isang restaurant sa United States.

Ayon sa ulat ni Madison Police Chief Mike Koval, bandang alas dos ng madaling araw nang makatanggap sila ng reklamo tungkol sa lalaking nanggulo sa isang pizza joint sa Wisconsin.


Sinita ng dalawang customer ang 24-anyos na suspek na nauwi lamang sa away.

Inaresto ang suspek pati na ang dalawang nakaaway nito for disorderly conduct at resisting arrest.

Patuloy naman inaalam ang sanhi ng asal ng suspek.

Facebook Comments

From Advertisers