1Apat na Pilipino, kabilang sa mga nasawi sa road accident sa United Arab Emirates

Manila, Philippines – Nasawi ang apat na Overseas Filipino Workers (OFW) sa isang road accident sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sinasabing naganap ang aksidente habang isinasagawa ng mga biktima ang tradisyon tuwing Holy Week na Visita Iglesia.

Ayon kay Philippine Ambassador to Abu Dhabi Constancio Vingno, namatay ang apat na biktima matapos salpukin ng isang suv na mabilis ang takbo.


Batay sa ulat, namatay on the spot ang apat na OFW habang dalawa naman ang nasa kritikal na kondisyon sa Al Rahba Hospital.

Hindi pa nagbibigay ng detalye ang embahada hinggil sa pagkakakilanlan ng mga nasawi pero nabatid na tatlong lalaki at isang babae ang mga biktima.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na si Vingno sa mga otoridad sa Abu Dhabi ukol sa mga biktima Pinoy.

Facebook Comments