Kakaibang beauty trend sa pag-aayos ng kilay –  viral sa instagram

94

Finland – Viral sa social media ang isang bagong beauty trend na aksidenteng na-discover ng make-up artist mula Finland na si Stella Sironen.

Tinawag itong “feathered brows” – isang style ng pag-aayos ng kilay kung saan hinahawi ang kilay sa gitna hanggang sa magmukha itong pakpak o balahibo ng ibon.

Kwento ni Sironen, napag-tripan lang daw talaga nila ng kanyang kaibigan ang pag-aayos ng kilay at hindi nila akalaing magva-viral ito partikular sa instagram.

Humakot na ng higit 48-libong followers sa instagram si Sironen matapos na i-post ang larawan ng pinauso nitong feathered brows.

Facebook Comments