
Dumating na ang Embahada ng Pilipinas sa Myanmar na binubuo ng composite assistance to nationals team sa Mandalay kagabi.
Agad silang nakipagpulong sa Filipino community coordinators sa Mandalay para alamin ang sitwasyon at kalagayan ng mga Pilipino roon.
Pagkatapos ay tumuloy ang team sa lugar kung saan huling napag-alaman o huling nakita ang kinaroroonan nang apat na hindi pa nakikitang mga Filipino bago ang lindol.
Nakipagpulong din ang embahada sa mga site supervisor na nangangasiwa sa search and rescue operations.
Ayon sa emhabada ay wala pang kumpirmadong Pilipino na nailigtas o nakuha mula sa site at patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon.
Facebook Comments