
Malugod na ibinahagi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mayroong 334 na Overseas Filipino Workers o OFWs ang naka-graduate na ng skills training sa Taiwan.
Matagumpay na ginanap ang awarding of certificates para sa 340 OFWs na nagtapos sa iba’t ibang skills training programs tulad ng basic mandarin, basic photography, haircutting for men, basic massage, computer courses, baking, barista, hair & make-up, at marami pang iba.
Ito ay ginanap sa ugnayan training center, Tanzi District, Taichung City, sa Taiwan.
Ayon sa OWWA, ito ay isang hakbang sa paglalapit sa mas maraming oportunidad para sa OFWs.
Upang mag-aral at mag-develop ng bagong kasanayan at magpapalawak sa kanilang kaalaman bilang OFWs.
Facebook Comments