Apat na probisyon sa 2020 National Budget, nais ipabago  

Nais baguhin ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang apat na probisyon sa ilalim ng panukalang 2020 National Budget.

Ayon kay Cayetano, kabilang na rito ang budget cut sa pagpapagawa ng mga silid-aralan.

Kasama rin aniya ang pagpapalakas ng K-12 Program at programang pangkalusugan.


Gawing 10 Bilyong piso ang pambili ng mga palay.

Dagdagan ng isang Bilyong piso ang nakalaang budget para makabitan ng kuryente ang lahat ng Munisipyo.

Tapos nang busisiin ng Kamara ang mahigit kalahati ng 2020 Budget kaya pwede na nila itong aprubahan sa Biyernes para maipasa na sa Senado.

Facebook Comments