APAT NA PUSHER, TIMBOG SA BUY-BUST SA BAUANG, LA UNION

Timbog ang apat na hinihinalang street-level drug pushers sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Acao, Bauang, La Union.

‎Kinilala ang mga suspek bilang pawang mga lalaking residente mula Bakakeng Central, Baguio City, at Bumbuneg, San Gabriel, La Union.


‎Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱68,000, at humigit-kumulang 100 gramo ng pinaniniwalaang dahon ng marijuana na may fruiting tops na nagkakahalaga ng ₱12,000.

Narekober din ang iba’t ibang drug paraphernalia na may bakas umano ng shabu, pati na ilang non-drug evidence.


‎Ayon sa pulisya, nakatakas ang ikalimang suspek habang isinasagawa ang operasyon. Gayunman, nakatakdang sampahan ng kaso ang naturang indibidwal sa paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) upang makakuha ng warrant of arrest laban sa kanya.

‎Samantala, mahaharap naman sa kasong paglabag sa ilang seksyon ng parehong kaso ang apat na naarestong suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments