Apat na rehiyon sa bansa, isinailalim sa state of calamity

Nagdeklara ng state of calamity si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ilang rehiyon sa bansa na lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Kabilang dito ang Regions 4-A (CALABARZON), 5 (Bicol Region), 6 (Western Visayas), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARRM.

Ang direktiba ay ginawa ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng Proclamation No. 84 na nilagdaan ngayong araw, Nobyembre 2.


Inilabas ang deklarasyon para mapabilis ang pagbangon at pagtugon na rin ng gobyerno sa pangangailangan ng mahigit isang milyong populasyon na apektado ng kalamidad.

Ayon sa kautusan, iiral ang state of calamity sa loob ng anim na buwan hanggang sa magdesisyon ang pangulo na alisin na ito.

Facebook Comments