
Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government unit (LGU) sa buong bansa na mas palakasin ang mga programa at estratehiyang nagsusulong at nagpo-protekta sa kapakanan ng kabataan.
Kasunod ito ng opisyal na paglulunsad ng Child-Friendly Local Governance Audit ngayong taon, isang pagsukat sa kakayahan ng mga LGU sa pagtataguyod ng karapatan ng kabataan.
Sakop nito ang pagiging malusog ng kabataan, pagkakaroon ng access sa mga pangunahing serbisyo, at mga sistemang protektibo para sa kanila.
Naniniwala ang DILG na ang pag-i-invest sa kabataan ay kakambal ng pag-i-invest sa kinabukasan ng bansa.
Facebook Comments










