Apat na sasakyang pandagat na sangkot sa pagnanakaw ng diesel, nasakote ng PCG

Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko at tatlong bangka na nagnanakaw ng diesel sa dagat na sakop ng Navotas Fish Port.

Nabatid na habang nagpapatrolya ang PCG, napansin nila ang limang tripulante ng M/V MIROLA 1 na nagsasalin ng diesel sa tatlong bangka ang PALAWAN PIRATES 2022, PALAWAN PIRATES 2023, at PALAWAN PATRICK na may sakay na 13 tripulante.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, agad na ininspeksyon ang mga sasakyang pandagat at nakumpirma ang pagsasagawa ng pagnanakaw ng diesel.


Tinatayang nasa 20,000 hanggang 30,000 litro ng diesel ang naisalin ng M/V MIROLA 1 sa tatlong bangka nang maaktuhan ng PCG.

Sa imbestigasyon, nakumpirma ng PCG na walang dokumento ang mga ito kung saan napag-alaman na sangkot din sa pagnanakaw ng fuel ang tatlong bangka, hindi lamang sa katubigan ng Maynila maging sa Bataan at Batangas.

Ang mga ginagamit na sasakyang pandagat sa pagnanakaw ng disel at ang mga tripulante ay nasa Coast Guard Sub-Station sa Navotas at inihahanda na kaso laban sa kanila.

Facebook Comments