APAT NA STUDENTS-ATHLETES MULA SA DAGUPAN CITY, NAG-UWI NG TITULO AT MEDALYA SA KATATAPOS NA PALARONG PAMBANSA 2023

Matagumpay na nasungkit ng apat sa mga student athletes ang inaasam-asam na mga titulo sa Palarong Pambansa 2023 na ginanap sa Marikina City mula Hulyo 30 hanggang Agosto 5.
Ang mga apat na student athletes ay sina Angela Joy Eliron mula sa Dagupan City National High School, Mharc Stheven Laureta ng PAMMA Learning Center, Justine Miguel Erpelo ng PHINMA University of Pangasinan at Mark Bryan Rioflorido ng Lyceum Northwestern University sa pagdadala ng puri at karangalan sa lungsod.
Sa nasabing pambansang palaro, nasungkit ni Eliron ang pilak na medalya sa Taekwondo light middleweight secondary category habang sina Laureta at Erpelo ang nakakuha naman ng bronze sa Tennis doubles secondary.

Bukod dito, sa swimming, nanalo rin si Rioflorido bilang bronze medalist sa 4×100 freestyle relay secondary.
Samantala, ipinagmamalaki ng siyudad ang tagumpay ng mga students-athletes sa pag-uwi ng karangalan at pagpapamalas ng husay at galing sa larangan ng isports. |ifmnews
Facebook Comments