HALOS 900K HALAGA NG SHABU, KUMPISKADO SA BUY BUST OPERATION SA ISANG HIGH VALUE TARGET SA BAYAN NG LINGAYEN

Umaabot sa mahigit isang daang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 800k ang nakumpiska sa Isang Buy Bust Operation laban sa isang High Value Target sa bayan ng Lingayen.
Ang suspek ay nakilalang si Jhon Mark Valdez, residente ng bayan ng Binmaley.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek pasado alas dos ng madaling araw sa Brgy. Libsong East na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng 125 grams ng shabu at nagkakahalaga ng 850k.

Sinasabing ilang buwan din na minanmanan ang suspek sa kanyang illegal na gawain bago ikinasa ang nasabing Buy Bust Operation.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments