Cauayan City – – Arestado ang apat na indibidwal na kabilang sa mga most wanted sa probinsya ng Cagayan sa magkakasunod na operasyon.
Isa sa mga suspek ay kinilalang si “Johnny”, kinse anyos, top 2 most wanted sa probinsiya at nadakip sa Tuguegarao City sa kasong rape through sexual assault at statutory rape.
Sinundan ito ni alyas” Boy”, 17 anyos, Top 3 most wanted, na inaresto rin sa parehong mga kaso ng Statutory Rape.
Kasunod ng kanilang pagdakip, si alyas “Biboy” 21 anyos, Top 5 most wanted, na nahuli sa Solana, at si alyas “Carl”, 17 anyos, Top 6 most wanted, na nahuli naman sa Baggao, na may kasong Statutory Rape.
Ang mga operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga lokal na pulisya at iba pang ahensya.
Ayon kay PCOL Mardito G. Anguluan, Provincial Director ng Cagayan, ang mga pagdakip na ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng mga Cagayano cops at ang lakas ng ugnayan sa mga komunidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan laban sa mga krimen.
Kasalukuyang nakakulong ang mga akusado sa Tuguegarao Component City Police Station at inihahanda na para sa kanilang pagdinig sa korte.