Apat na Tulak ng Droga, Arestado sa Magkakahiwalay na Operasyon ng Pulisya

316

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang apat (4) na Drug Personalities sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad kabilang ang isang ALS Studente sa Tuguegarao City, Cagayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Jann Rhyan Batang, 18 anyos, ALS Student, residente ng Brgy. Libag Norte, John Louie Dajon, 19 anyos, binate, walang trabaho at residente ng Brgy. Ugac Sur na kapwa residente sa Lungsod ng Tuguegarao.


Narekober sa pag iingat ng mga suspek ang apat na pakete ng pinaniniwalaang shabu at kabuuang P5,000.00

Kaugnay nito, inaresto din sina Jayrus Macaraniag, 30 anyos, walang asawa, isang aircon technician at residente ng Brgy. Ugac Norte habang nakumpiska sa kanyang pag iingat ang isnag pakete ng shabu, isang cellphone, P1,000.00 na buy-bust money at isang motorsiklo na walang plaka.

Samantala, dinakip din an isang dalaga na kinilalang si Reynalyn Rigor, 21 anyos at residente ng Brgy. Villa Rey, Piat, Cagayan.

Narekober sa dalaga ang isang pakete ng shabu at P1,000.00 na buy bust money.




Sinampahan naman ang mga suspek ng paglabag sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.

Facebook Comments