Labi ng isa pang OFW na nasawi sa aksidente sa Singapore, dadating na rin bukas

Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac na dadating na rin bukas sa bansa ang labi ng isa pang Pinay na si Abigail Leste na kasamang nasawi sa Lucky Plaza car accident sa Singapore.

Ayon kay Cacdac, una nang naiuwi sa bansa kagabi ang labi ng isa pang biktima na si Arlyn Nucos.

Habang ang apat na pinay naman na nadamay rin sa aksidente, ang isa ay nadischarge na ng ospital at nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs para sa pag-uwi nito sa bansa.


Sa tatlo naman na naka-confine pa sa ospital, ang dalawa ay naoperahan na habang ang isa ay isasalang pa sa operasyon.

Tiniyak naman ni Cacdac na tutulungan ng pamahalaan ang pamilya ng mga nasawi at nasugatang OFWs.

Lahat din aniya ng mga biktima ay aktibong myembro ng OWWA.

Facebook Comments