Timbog ang apat na hinihinalang tulak ng iligal na droga sa lungsod ng Makati, matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado alas-3:35 ng hapon kahapon.
Nakilala ang mga suspek na sina Jessie Salvador Lopez, 24-anyos, Jaycee Gonzaga Miguel, alyas “Boknoy”, 29-anyos; Melanie Mangaoang Cabalitan, 32-anyos; at Mark Anthony Salvador Lopez, alyas “Mac Mac”, 27-anyos.
Nakuha mula sa kanila ang 6.2 grams na umano’y shabu na may katumbas na halagag ₱42,160 at ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.
Ginawa ang nasabing operasyon matapos mabilhan ang mga suspek ng iligal na droga ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa Medina St., Barokan Compound, Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.
Nakakulong na ang mga suspek sa Makati City Police Station Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.