Apat na wanted, arestado sa iba’t ibang lugar sa Lungsod ng Maynila

Naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na indibiduwal na matagal ng pinaghahanap dahil sa kinakaharap na iba’t-ibang kaso.

Unang nadakip ang wanted na si Jenifer Aringo sa may bahagi ng Tanique Street sa Paco, Manila dahil sa kaso may kaugnayan sa nakawan.

Habang nasakote din agad ang kapatid nito na si Arjie Aringo sa mismong tahanan nila sa Tanique Street kung saan sangkot din pala ito sa kasong nakawan.


Sunod na naaresto si John Alfred Palileo Arevalo sa may Barrio Magsasay sa Tondo dahil sa kasong pagnanakaw.

Dahil sa hindi naman pagdalo sa mga hearing., nadakip ang akusadong si Raymond Maceda sa Pedro Gil Street sa kasong paglabag sa City Ordinance 5555 o ang pagbabawal sa pag-iinom ng alak sa pampublikong lugar.

Facebook Comments