Apat na Wanted, Naaresto!

Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Apat na katao ang isinailalim sa poder ng batas matapos maaresto sa kani-kanilang kinakaharap na kaso.

Sa ipinaabot na impormasyon ng Police Regional Office Number 2 sa RMN Cauayan News, bandaang alas diyes ng umaga ng Pebrero 26, 2018 ay naaresyp ng mga elemenot ng Cagayan PPO si Jovel Estioco, 37 anyos, may asawa, negosyante at residente ng Centro, Sta Ana, Cagayan.

Siya ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Less Serious Physical Injuries.


Ang pangalawang naaresto ay si Michael Suarez, 20 anyos, walang asawa at residente ng Sitio Cabinuangan, Brgy Runruno, Quezon Nueva Vizcaya dahil sa kasong paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnaping Act of 1972.

Naaresto siya bandang alas dos ng hapon noong pebrero 26, 2018.

Sa kapareho ding araw ng Pebrero 26, 2018, mga alas dos trenta ng hapon ay inaresto naman ng mga tauhan ng Police Station 1, Santiago CPO si Cristina Tulaban, 30 anyos, may asawa, negosyante at residente ng Purok-7, Rosario, Santiago City.

Siya ay may kinakaharap na kasong Estafa at paglabag sa BP 22 o Anti-Bouncing check Law.

At sa pamamagitan naman ng of Naguilian Police Station at Isabela PPO ay nagawang maaresto bandang alas dos ng hapon sa pareho ding petsa si Voltaire “Wako” Passion, 27 anyos, may asawa at residente ng Baragay. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

May kaso ito na Frustrated Homocide na kanya umanong nagawa sa naturan ding barangay.

Dahil sa matagumpay na operasyon na ito ng mga yunit pangkapulisan sa rehiyon ay mas lalo pang hinikayat ni PCSupt Jose Mario M Espino ang publiko na tulungan ang PNP para madaling matukoy ang mga nagtatago na may pananagutan sa batas.

Kanya pang sinabi na ginagamit na rin n g PNP Region 2 ang kanilang website www.policeregionaloffice2.org upang maalerto ang mga police stations at ang kumunidad tungkol sa mga wanted na indibidwal.

Facebook Comments