Apat, nawawala matapos lumubog ang isang yate sa Palawan

Patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na pasahero na sakay ng lumubog na yate sa karagatan sakop ng Tubbataha, Palawan.

Sa inilabas na pahayag ng PCG Command Center mula sa Coast Guard District Palawan, alas-6:49 ng umaga ng matanggap nila ang report na lumubog ang M/Y “DREAM KEEPER”.

Agad na ipinadala ng PCG ang BRP Melchora Aquino para magsagawa ng search and rescue operations.


Maging ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ay tumulong na rin sa search and rescue operations katuwang ang ibang dive boats sa lugar.

Nagmula ang M/Y “DREAM KEEPER” sa San Remegio, Cebu City noong April 27, 2023 at nakarating ng Tubbataha Reef nitong April 29, 2023.

Nasa 32 ang sakay ng nasabing yate kung 15 ang crew, 12 ang pasahero at lima ang dive master.

Facebook Comments