Inaprubahan ngayon ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang kahilingan ng apat pang mga unibersidad sa Maynila para makapagsagawa ng limited face-to-face classes para sa kanilang medical programs.
Kinabibilangan ito ng University of the Philippines Manila, Emilio Aguinaldo College, PHINMA Saint Jude College at National University.
Ang hakbang ni Mayor Isko ay alinsunod sa Joint Memorandum Circular na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH).
Nakapaloob rito ang gradual reopening ng campuses sa Higher Education Institutions (HEI) para makapagsagawa ng limitadong face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sabi ni Domagoso, ang nabanggit na mga eskwelahan ay nakapagsumite sa lokal na pamahalaan ng kani-kanilang mga plano kung paano nila matitiyak na masusunod ng mahigpit ang health protocols sa face-to-face sessions.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan at proteksyon laban sa COVID-19 ng mga estudyante.