Partisipasyon ng ilang senador sa session, nagka-aberya dahil sa brownout

Dahil sa brownout ay naputol ang koneksyon sa plenary session ng ilang senador na dumadalo rito virtually o sa pamamagitan ng video conferencing kaninang hapon.

Ito ay sina Senators Sonny Angara, Nancy Binay, at Senate Minority Leader Franklin Drilon na nag-offline bigla sa gitna ng session dahil nagkaroon ng brownout sa kani-kanilang lugar.

Nagpatuloy naman ang plenary session para sa mga physically present na senador at sa iba na naka-online pero hindi naman naputulan ng suplay ng kuryente.


Sabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, dahil dito ay i-a-adjust na lang ng oras o araw ang interpelasyon ng mga senador na nawalan ng internet connection dahil sa brownout.

Facebook Comments