Apat patay habang dalawa sugatan sa pamamairl sa Los Angeles

Apat patay habang dalawa ang sugatan sa naganap na barilan sa Canoga Park, Los Angeles.

 

Kinilala ang suspek na si Gerry Zaragosa 26 anyos.

 

Ayon sa Los Angeles Police may nakatengga ding murder case si Zaragosa dahil sa pagbaril nito sa kaniyang pamilya na naging sanhi ng pagkamatay ng kaniyang ama at kapatid habang malubha naman ang kaniyang ina.


 

Maliban dito, may mga binaril din ang suspek kabilang ang gas station clerk, gardener, at isa pang lalaking nakatabi niya sa bus na pawang nasa kritikal na kondisyon.

 

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya si Zaragosa habang inaalam pa ang motibo nito sa pamamaril.

Facebook Comments