Bea Alonzo, moving forward na raw

‘I’m moving forward’

 

Ito ang pahayag ni Bea Alonzo sa gitna ng kontrobersiya sa kanila ng boyfriend na si Gerald Anderson.

 

Sa isang panayam sinabi ni Bea na bigla na lang daw siyang hindi kinausap ni Gerald kaya hindi niya malaman kung break na ba sila.


 

Say pa ni Bea, kailangan niyang maging propesyonal at maging matatag para harapin ang anumang nangyayari sa kaniyang buhay.

 

Sa ngayon, hindi pa nagsasalita sina Gerald at ang nadawit na si Julia Barreto tungkol sa isyu.

 

Samantala, magiging dalawang beses na sa isang taon simula 2020 ang Metro Manila Film Festival (MMFF).

 

Ang una ay gaganapin mula sa ika-labing-isa hanggang ika-dalawampu’t isa ng Abril habang sa Diyembre pa rin ang pangalawa.

Facebook Comments