Apat patay, habang higit kumulang labinglima ang sugatan sa pagsabog ng Granada sa Jolo Sulu

38
Manila, Philippines – Kinumpirma ni Joint Task Force Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana na apat (4) ang namatay habang higit kumulang labinglima (15) ang sugatan sa nangyaring pagsabog ng granada sa barangay busbus sa bayan Ng Jolo, Sulu.
 
Ayon kay Sobejana, nangyari ang pagsabog noong sabado ng gabi malapit sa karina bakeshop and grocery sa Sitio Lambayong.
 
Kasabay nito, kinumpirma ni Sobejana na may naaresto silang suspek sa isinagawang joint pursuit operation.
 
Isinailalim na ito sa tactical interrogation sa Jolo municipal police station.
 
Tumanggi munang pangalanan ni Sobejana ang naarestong suspek habang nagpapatuloy ang kanilang operasyon.
 
Sa ngayon, hindi pa matukoy kung sino ang nasa likod ng madugong insidente at kung ano ang maaaring motibo ng mga salarin.

Facebook Comments