COMELEC, patuloy pa rin ang paghahanda para sa barangay election

Manila, Philippines – Patuloy pa rin ang paghahanda ng Commisison on Election para sa barangay election kahit na malaki ang posibilidad na ipagpaliban ito.
 
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Baustista, hangga’t walang opisyal na pasya para sa pagpapaliban ng eleksyon ay hindi sila titigil sa ginagawa nilang preperasyon.
 
Aniya, sa ngayon pinagtutuunan nila ng pansin ang pagpaparehistro ng mga botante at paglilinis ng kanilang talaan.
 
Gayunman, tiniyak ni Bautista na nakahanda silang sumunod kapag ipinagpaliban ang eleksyon.
 
Pero umaasa aniya sila na maagang maglabas ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte.
 

Facebook Comments