Wednesday, February 25, 2026

4 sa 18 nagpakilalang dating marines at aid ni Zaldy Co, hindi miyembro ng Philippine Navy

Inihayag ng Philippine Navy na hindi nito miyembro ang 4 sa 18 nagpakilalang dating marines at aid ni dating Congressman Zaldy Co.

Ayon sa opisyal na ulat ng Navy, majority ng mga nasabing indibidwal ay na-discharged “dishonorably” sa serbisyo habang ang iba ay nagretiro ng may good standing.

Nabatid na lumutang kahapon sa isang presscon ang 18 umanong dating marines na siyang nagdala umano ng pera kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dating House Speaker Martin Romualdez at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Nagpaalala naman si Philippine Navy Spokesperson Capt. Marissa Martinez sa publiko na iberipika muna ang mga kredibilidad ng mga impormasyon kasama na rito ang source at ang platform na ginamit.

Dagdag pa ng Hukbong Dagat ng Pilipinas , hindi nito pipigilan ang sinumang indibwal na magte-testify para sa katotohanan.

Tiniyak naman ng Philippine Navy na mananatili itong propesyonal, disiplinado at non-partisan at mananatili sa kanilang mandato na depensahan ang soberanya ng bansa at pagsilbihan ang mamamayan.

Facebook Comments